Wednesday, November 21, 2012

Magaling talaga ang tatay ko (karugtong)

Naisipan ng tatay ko na gumawa ng katre (wooden bed) para sa nanay ko na kakapanganak lang sa bunso namin.  Ilalagay ito sa tindahan (store) para hindi na mag-manhik-manaog ang nanay ko dahil siya ang tumatao sa tindahan namin.  Walang metro (measuring stick) ang tatay ko na mahaba dahil hindi naman laging kakailanganin ito, kaya hindi siya bumibili.  Humiram na lang siya sa kapitbahay na si Mamay Berto para di na gumastos pa.

Nakakatuwa ang metrong ito kasi natutupi (fold) mo itong patagilid.  Ang pagmaniobra nito ay parang sa abaniko.  Lagi kong kinukuha at nilalaro ito, at palagi naman akong pagsasabihan ng tatay ko sabay kuha ng metro sa kamay ko.  Baka ko raw mabali ito e nakakahiya raw sa taong hiniraman.  Sumusunod naman ako.

Isang araw, kailangang makipaglibing ang tatay ko.  Sa amin kasi e malaking bagay ang pakikipaglibing kaya itinigil muna ang pag-gawa niya ng katre at umalis.  Hinanap ko ang metro noong nakaalis na siya pero itinago niya talaga ito.  Hindi ito nakakalat doon sa lugar pinag-gagawaan niya. Dahil matiyaga ako, nahanap ko ang metro na nakasuksok sa bubong ng garahe namin.  Hindi talaga maaabot ng batang katulad ko.  Ang problema ay nakalimutan ng tatay ko na ma-abilidad ako, at nakagawa ng paraan para abutin ito.  Tumuntong ako sa tapalodo (hood) ng 'owner-type jeep' namin at gamit ang walis, nasungkit ko yung metro.

Pagbalik ng tatay ko, bali na ang metro.  Napagalitan ako pero di niya ako pinalo.  Di namamalo ang tatay ko, puros taas lang ng boses at pananakot.  Bumili na lang siya ng bagong metro na isinauli kay Mamay Berto.  Magaling talaga ang tatay ko.

Magaling talaga ang tatay ko

Nangyari ito noong maliit pa ako. Siguro mga 5 taon pa lang ako noon.  Nasa Ilat ako, ito ang pangalan ng baryo namin sa San Pascual sa probinsya ng Batangas (dati e saklaw kami ng Bauan hanggang sa isang plebisito na nalipat kami sa San Pascual noong 1972).  Mamamalagi lang kami sa Maynila kung papasok na kami sa eskwelahan (sa UST kung saan nagtuturo ang tiya ko).  Pag di ka pa nag-aaral, doon ka sa probinsya kasama ang mga magulang mo at ang apat mong lola na puros mga dalaga.

Mahilig sa 'pag-aaluwagi' (carpentry) ang tatay ko. Kaya niyang gumawa ng kahit anong nilalagari at pinapako (syempore kahoy yon), eskaparate (cabinet), bangko (bench), bangkito (stool), pala-pala (table-top),  pasamano (counter), 'tree-house' (sabi ito ng mga kapatid ko pero di ko inabot), at mga bagay tulad ng papagayo (saranggola), uyayi (swing), duyan (hammock), at marami pang iba.  Magaling talaga ang tatay ko, ewan ko kung bakit di ko namana ito sa kanya.  Mabilis siyang magmakinilya (typewriter), maganda siya sumulat (penmanship), magaling din siya sa 'grammar' at 'correspondence', magaling siya magtasa ng lapis gamit ang 'blade' (eto hindi ko talaga magawa), alam niya mga larong baraha (solitaryo at mga larong pang-sugal), alam niya 'rules' ng halos lahat ng 'sports with balls', kahit saan lugar mo siya itapon sa Maynila, at kahit sa ilang probinsya, e di siya mawawala (commuting and driving)... magaling talaga ang tatay ko.

Hindi siya takot sa ahas, tuko (papatayin niya mga ito sa isang hataw ng tikin o long stick), bangkalang (bubuli), bayawak, daga (nakita ko nung pinukpok niya ng palu-palo ang isang napakalaking daga, mas malaki pa sa pusa) at higit sa lahat, hindi siya takot sa multo o mga lamang-lupa ( pero nagtatabi-po siya pag nasa lugar na bago niyang dinadaanan)... magaling talaga ang tatay ko.

Marunong siyang magkumpuni ng sasakyan, mga kuryante at ilaw sa bahay, umaakyat siya sa bubong ng bahay namin at sa ibabaw ng tanke (water tank) at hindi siya nalulula o natatakot mahulog, Marunong siya magpatulog ng bata, magkatay ng baboy at manok, magluto, mamalantsa, maglaba, mag-'gardening' at iba pang gawaing bahay...magaling talaga ang tatay ko.

Forgettable

I graduated from elementary school with honors (1st honorable mention, which is next to salutatorian) but with nothing in high school because of a teacher named Esperanza Cano.  She was my teacher in Literature (3rd year).  She was a boring person, walks slow and talks slow. too.  All we did in her period was read poems and interpret these one line after another.  She gave us a special assignment, sort of a project where she instructed us to be very ' brief and concise'.  So I wrote a one-page homework, and she gave me a failing grade for that.  To cut a long story, I got a 79 for that quarter.  My only 'line of seven' in all quarters of my 4 years in high school.  I am running for honors again in high school (though not the Top 3 posts), been in the Principal's List several times, until this event with Madam Cano happened.  In UST High School, you cannot graduate with honors once you get a grade below 80.  I tried to talk to her about it but she did not entertain my queries.  She did not even show me the computation of my grades because as she said "It's confidential."  This was one of those times when your vision gets blurry and would want to smash the face in front of you.  Yet, I kept my cool, cursed her silently and walked out of the faculty room thinking of how to get even with her.  No more 'running for honors' status. That was a 'blessing in disguise' for me because when you're already in 4th year, if you are a contender for the 'honors', you are required to be a President of a school organization or club AND an officer of another one.  I hate clubs.  I hate extra-curricular activities.  I hate going to school outside school hours, especially weekends.  Thank you, and no thank you, Madam Cano!

Life ends at 40

In a few days, my life will begin... I am turning 40!  I dread the time that this will be my age.  When I was a clerk (4th year medical student 1996) in UST, an anaesthesiology resident, who knows how to read a person's future just by looking at the lines on the palms, held both my hands and blurted out "You are a virgin!" Yeah! such a loser when you are already 24, and a medical student who had seen lots of female patients' 'vital organs', and you haven't made love or had sex or fucked a girl.  Pathetic, isn't it.  But that was not the point, but rather this lady doctor was really good in reading palms.  She also had a prediction that I already saw the woman that I will be marrying in the future, she was wrong there (I first saw my wife in 2003).  I cannot recall her other predictions yet this one I will not forget:  YOU WILL DIE AT THE AGE OF 40 IN A VEHICULAR ACCIDENT!

Jaden Dylan's AVP